Mga nasirang module sa Marikina City, umabot na sa P 6.8 M

  • by

Umabot na sa P 6.8 milyon ang mga nasirang module sa Marikina City dahil sa bahang dulot ng bagyong Ulysses ayon kay DepEd National Capital Region Director Malcolm Garma noong Biyernes, ika-27 ng Nobyembre.

“Ayon po sa huling tala namin, hindi po ‘yung bilang kundi ‘yung amount na naimbentaryo ng ating Division of Marikina City ay umaabot po sa mahigit kumulang P6.8 million po ang halaga ng mga modules na nalubog o nasira dahil po sa pagbaha,” ani ni Garma.

Ayon pa sa NCR Director, naibigay na ang nakalaang P 7 milyong piso para sa mga nasirang modules.



“At kahapon lamang po, lumabas na ‘yung amount na idodownload po natin sa lungsod ng Marikina at saktong sakto naman po dahil more or less P7 million po ‘yung nakalaan para sa replacement ng mga module para po sa lungsod ng Marikina,” dagdag pa niya.

Samantala, suspendido naman ang klase sa lahat ng antas sa Marikina ng isang buwan upang masimulan at matapos ang clearing operation sa buong siyudad ayon kay Mayor Mercy Teodoro. Ang nsabing suspensiyon ay maaari pang mapahaba.

Basahin: How to apply for GSIS emergency loan for members affected by Ulysses, Rolly



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *