Hindi nakaligtas sa baha ang isang paaralan sa Palawan matapos ang bagyong Kiko nitong nakaraan na mga araw na naging dahilan ng pagka-basa ng ilang learning materials. Nakatakdang magsimula ang distance learning ngayong araw, Ika-13 ng Setyembre.
Agad-agad na humiling ang pinuno ng paaralan ng Irawan National High School sa Puerto Princesa City na si Daniel Lebante sa lokal na pamahalaan ng baranggay at lungsod upang maaksyunan ang probelmang ito. Karamihan sa mga silid aralan ay pinasok ng tubig kaya nabasa ang mga modules na dapat sana ay ipamamahagi ngayong araw.
Ayon kay Lebante, matagal na ang problemang ito sa paaralan ngunit wala paring ginagawa ang mga lokal na opisyal upang matugunan it.
Samantala, pormal nang binuksan ng kalihim ng eduaksyon na si Leonor M. Briones ang S.Y. 2021-2022 .
Kaugnay : Senior High School Voucher Program now available