Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) upang magkaroon ng pagtatasa sa lahat ng mga learning materials na ginawa ng ahensya upang maitama ang mga mali-maling impormasyon hinggil sa mga “discriminatory terms” sa mga katutubo.
Ayon sa senador, ang mga discriminatory terms sa mga katutubo, tulad ng mga Igorot, ay nagpapahiwatig ng agarang aksyon ng DepEd upang ayusin ang kalidad ng pagtatasa nito sa proseso ng paggawa ng mga learning materials upang maiwasan ang diskriminasyon sa alinmang grupo ng mga katutubo.
Read: DepEd eyes virtual Palarong Pambansa
“I am strongly urging the Department of Education’s Bureau of Learning Resources to conduct a nationwide assessment of all learning materials produced by divisions to identify and correct erroneous materials before they are even distributed,” ani ni Gatchalian.
Ang mga sunod-sunod na insidente ng pagkatuklas ng mga mali-maling impormasyon simula pa Oktubre ng nakaraang taon ay nagpapakita ng kakulangan sa quality assurance ng DepEd.
“DepEd has found itself in a cycle of printing and distributing erroneous modules that end up drawing criticisms and being recalled,” dagdag pa ni Gatchalian.
Wala pang tugon ang DepEd sa pahayag na ito.
Related: DepEd to teachers: Give “reasonable” workload to learners