“Boses ng mga mag-aaral: Bawas na oras para sa lesson discussions, dagdag na oras para sa tambak na mga assignments at activities.”
Sa pangangapa sa pagbabago, lahat naman tayo ay natural lang sa proseso ng adjustments para sa bagong sistema ng edukasyon sa bansa. Hindi lamang mga mag-aaral kung hindi pati mga guro ay patuloy lamang sa pag-aaral ng iba’t ibang mga bagong kasanayan upang itaguyod ang ‘New Normal’ ng edukasyon. Maging mga magulang ay gumagabay din sa kanilang mga anak
Kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang kalakip na mga pagsubok ng iba’t ibang learning modalities, gaya na lamang ng online distance learning o yung pag-aaral sa pamamagitan ng internet at gadgets.
Isa sa mga naging maiingay na komento ng mga mag-aaral sa social media ay ang karagdagang oras para sa tambak na mga asynchronous activities, na kung tutuusin ay kabilang pa rin sa tinatawag na “screen time” o yung oras na nakaharap sa gadgets upang mag-aral.
Sari-sari ang mga reactions ng netizens sa issue na ito.
Mahirap nga naman sa parte ng mga mag-aaral ang tapusin at ipasa ang mga atas na gawain sa bawat asignatura (subjects). Ipagpalagay na sa loob ng isang araw ay may tatlo hanggang apat na asignatura sila na kailangan daluhan sa Google Meet, MS Teams, o iba pang online platforms para sa live conference sa bawat klase, pagkatapos nito ay may kasunod pa na asynchronous time na nakalaan naman para sa mga gawain na dapat ay offline o kahit pa mismo online na nakalaan naman upang tapusin para sa mga self-phase instructions. Sa madaling salita, hindi mabibilang na apat na oras lamang ang screen time ng mga guro at mag-aaral (bilang pinakamahabang oras na nakasaad sa DEPED MEMORANDUM DM-CI-2020-00162 para sa pangsekondaryang edukasyon).
Kung anong bigat ng nararanasan ng mga mag-aaral ay siya din namang bigat ng kaguruan at mga magulang na gumagabay at nagbibigay aral upang itawid ang School Year 2020-2021.
Sa latag ng panahon kung saan lahat tayo ay hindi pa talaga gamay ang galaw ng ‘New Normal’ ng edukasyon, nalilimitahan pa tayo sa maari nating mapagtagumpayang matapos. Ngunit sa tamang pagkakaisa, plano, respeto, at pakikisama, walang problema ang hindi malulutas.
Lahat tayo ay may ganap sa pagbabagong ito.
Pilitin natin na makibahagi sa solusyon, hindi maging parte ng ingay na nagbibigay diin lamang sa mga suliraning sinisigaw ng kritisismo at panghahamak.