Skip to content

VP SARA sa 2023 Global Education and Innovation Summit, South Korea

  • by

Photo Courtesy: Official Facebook Page of Inday Sara Duterte

Dumalo ngayong araw si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang kinatawan at  isa sa mga tagapagsalita sa  2023 Global Education and Innovation Summit (GEIS). Kung saan ibinahagi ng Kalihim sa pamamagitan ng kaniyang mensahe ang three-point proposal na dapat bigyang pansin ng education experts at policy makers na makakatulong sa pagharap sa mga hamon na dulot ng digital education sa 21st  century.

Ayon sa kaniya, sa pagtanggap ng makabagong teknolohiya sa edukasyon, mahalaga na:

“Una, dapat ay mapanatili natin ang kahalagahan ng critical thinking, communication, collaboration, at creativity ng mga learners. Ang kahalagahan ng critical thinking ay dapat na mas bigyan ng pansin ngayong mas madali para sa mga learners natin na makakuha ng iba’t ibang klaseng impormasyon. Nang isara natin ang mga paaralan dahil sa pandemic, mas nakita rin natin na dapat bigyan ng atensyon ang aspeto ng communication, collaboration, at creativity ng mga learners. “



“Pangalawa, dapat ay nakasentro ang teknolohiya sa epekto nito sa development ng ating mga learners.”

“At ang pangatlo, dapat ang mga guro at mga mag-aaral na siyang end-users ang susukat at magsasabi kung epektibo ba ang isang tekholohiya o hindi.”

Dagdag pa ng Kalihim, “The ultimate result of all our efforts should be the molding of productive and peaceful global citizens, equipped with 21st-century skills, but with a heart for nation-building.”

Nagpasalamat din siya sa paanyayang binigay ng Republic of South Korea.





RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *